Panahon

Maulan na panahon

Malamig na simoy ng hangin

Makulimlim na ulap

Ilang taon na pala simula nu’ng masira ang salitang ‘pagmamahal’ na naguugnay sa salitang tayo.

Pero ngayon,nandidito pa rin ako,nag aantay bumalik ang ikaw at ako

Sa dati nating tagpuan,ako’y nakaupo at inaalala ang simula ng ating istoryang natapos na

Alam kong hindi na maibabalik ang natapos na pero bakit naghihintay pa rin ako at umaasang babalik ka sa maulang panahon?

Siguro dahil nasanay akong nandiyan ka bilang silong at gabay ko sa bahang daang tinatahak ko…

Advertisements