Tayo at Kayo

Tayo–kung saan naguugnay ang salitang ‘ikaw‘ at ‘ako‘.Pero para sa ating dalawa ay kahit kailan ay hindi mag uugnay ang ‘ikaw‘ at ‘ako‘ dahil kulang ng salitang pagmamahal.Alam mo kung ano talaga ang kulang?‘Ang pagmamahal mo’.Pagmamahal mo na hinihiling ko pero ibinigay mo sakanya.Kaya nagkaroon ng ‘ikaw‘ at ‘siya‘ sa kadahilanang nabuo ang salitang ‘kayo‘.TAYO at KAYO, t at k ang kaibahan.T para sa’ting dalawa dahil kahit kailan ay hindi mo ‘Tatanggapin‘ ang pagmamahal ko para sa’yo.K para sa inyong dalawa dahil siya ang ‘Kailangan‘ mo at hindi ako.

Panahon

Maulan na panahon

Malamig na simoy ng hangin

Makulimlim na ulap

Ilang taon na pala simula nu’ng masira ang salitang ‘pagmamahal’ na naguugnay sa salitang tayo.

Pero ngayon,nandidito pa rin ako,nag aantay bumalik ang ikaw at ako

Sa dati nating tagpuan,ako’y nakaupo at inaalala ang simula ng ating istoryang natapos na

Alam kong hindi na maibabalik ang natapos na pero bakit naghihintay pa rin ako at umaasang babalik ka sa maulang panahon?

Siguro dahil nasanay akong nandiyan ka bilang silong at gabay ko sa bahang daang tinatahak ko…

“What if?”

“What if saktan niya ‘ko?”

“What if iwan niya ‘ko?”

“What if may ibang babae/lalaki siya?”

“What if ako nalang pala yung nagmamahal?”

“What if may mahal na siya iba?”
At iba pang what ifs.Andaming what if na namumuo sa isipan natin lalo na kung napaparanoid tayo.Pero iisang what if lang kailangan mo ng sagot or should I say na gusto mong malaman at ‘yung what if na ‘yon ay ang ‘What if hindi niya pala ako mahal?Na pinaglalaruan niya lang pala ako’.

Pero bakit kailangan mong magduda sa pagmamahal niya sa’yo kung gusto mo ring mahalin ka niya?Bakit ka pa may ‘what ifs’?Wala ka bang tiwala sakanya?Because you can’t love someone when in the first place you don’t trust him/her.Mahirap magmahal ng walang tiwala kasi paano ka maniniwala sa sinasabi niya kung sa sarili mo mismo ay wala kang tiwala?But sometimes trust and love is not enough.

“What happened?…to us?”

Maitatanong mo nalang talaga sa sarili mo isang araw “anong nangyari?anong nangyari sa relasyon natin?anong naging problema?anong dahilan para unti unting masira ang relasyong binuo natin?”

Marerealize mo nalang na sa isang araw,na hindi pala talaga kayo okay.Na hindi maayos ang relasyon niyo.Na kailangan niyong mag usap kung anong nangyari at sa gustong mangyari.

Mararamdaman mo nalang na sa isang araw,na parang ayaw na niya.Na kaya cold siya sa’yo kase sawa na siya.Or either may mahal na siyang iba.

‘Yun bang kahit may karapatan kang magtanong sakanya pero wala kang lakas ng loob kaya sinasarili mo nalang at tinitiis kahit kating kati ka ng itanong ang mga bagay na nasa isip mo.Kagaya ng “mahal mo pa ba ‘ko?” “bakit ganyan?” “sabi mo…” “nangako tayo sa isa’t isa na…” “di ba?dapat…” at marami pang iba.’Yung kahit walang sense na tanong ay gusto mong itanong pero dapat iexplain niya sa’yo hanggang sa maintindihan mo.

Pero ano nga bang nangyari?May bago na ba dyan sa puso mo?May nagpapasaya na ba sa’yo na mas better sa’kin?Sawa ka na ba?Ayaw mo na ba?Wala ka na bang nararamdaman pa ra sa’kin?

Nakakabaliw mag isip sa mga sagot na gusto kong itanong sa’yo.Kahit na oo o hindi lang ang sagot sa ibang mga tanong nahihirapan ka pa rin sagutin hangga’t hindi sa mismong bibig mo nanggagaling.

Faded Love

Faded Love?

Eto ‘yung nakakatakot kapag nangyari na sa relasyon niyo.Feelings na naglaho nalang bigla, ‘yung bang kahit sa sobrang tagal ng pinagsamahan niyo mararamdaman mo nalang na you fall out of love.Na kahit pilitin mong ibalik ang nararamdaman mo sa taong ‘yon,hindi na talaga p’wede.

Pero hindi lahat ay mararamdaman natin ang Faded Love.Siguro kaya naglalaho nalang bigla ang feelings ng isang tao kasi para iba naman ang mahalin mo either mahalin mo ulit ‘yung taong ‘yon sa ibang paraan

Taong naging parte ng buhay mo

Masakit isipin na ‘yung taong naging parte ng buhay mo ay bigla bigla nalang mawawala.Masakit kasi hindi mo matanggap na hindi na p’wedeng bumalik ‘yung taong ‘yon.Masakit kasi hindi sapat ‘yung dahilan na nalalaman mo para umalis ‘yung taong ‘yon.

‘Yung bang tipong hindi mo alam kung nahirapan din siya sa pag alis niya,’yong hindi mo alam kung ano yung main reason kung bakit niya ginawa ‘yon at ‘yung tipong nasanay ka na nandiyan siya kase ang sabi niya hindi ka niya iiwan.Napanatag ka sa sinabi niya dahil walang bakas na iiwanan ka niya at dahil nangako siya na nandiyan lang siya tabi mo.

Pero sabi nga nila ‘Kapag may umalis,may bagong darating’ at yun bagong darating ay mas better sa nauna.Pero pa’no kung mas worse pa pala ‘yun taong bagong darating?What if na may mas malala pa palang gawin ‘yung taong ‘yon sa’yo?No one knows,hindi mo alam ang mangyayari,hindi rin alam ng iba sa madaling salita WALANG MAY ALAM.Depende sa magiging desisyon ng taong ‘yon ata sa desisyon mo.

Pero back to the topic,hindi talaga natin inaasahan na aalis ‘yung taong naging parte ng buhay though alam na talaga natin hindi permanente na magiistay ‘yung taong ‘yon,talagang hindi natin inaasahan kung kailan at kung bakit pa…

Letting you go

Letting you go is the hardest thing to do,for me.Pero kakayanin ko para sa ikasasaya at ikabubuti mo.Mahal kita,mahal mo siya at hindi sapat ang mahal kita para angkinin ang tulad mo.Hindi kita pagmamay-ari lalo na’t hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko para sa’yo.Mahal mo siya,hindi mo’ko mahal dahil hindi ako siya.Ako lang ‘to,ang nagmamahal sa’yo ng palihim.Kahit hindi naging tayo at hindi mo nalamang mahal kita papakawalan kita,mali,hindi pala ikaw mismo ang pakakawalan ko dahil hindi ka naging akin.Pakakawalan ko nararamdaman ko para sa’yo na ako lang ang nakakaalam.

Coldness

Sa lamig na nararamdaman ko ngayon,namamanhid ako pati ikaw ay hindi ko na maramdaman

Matamis mong ngiti

Mala musika mong tawa

Mala Anghel mong pananalita

Magandang pakikitungo mo sa’kin at pati na rin sa iba

Lahat ng positibo ay naging negatibo,wala akong ideya kung bakit

Basta no’ng sumikat ang araw sa ating ilang buwang samahan ay naramdaman ko na lang ang lamig

We stucked where we are

Masakit.Mahirap.Nakakalito.Akala

Masakit na walang pangalan ang relasyon nating kun’di ang ‘pagkakaibigan’ natin at hindi na hihigit pa do’n ang mayroon tayo

Mahirap dahil mahal kita higit pa sa kaibigan pero ikaw mahal mo ‘ko bilang kaibigan.Mahirap tanggapin pero kakayanin ko

Nakakalito dahil umaasa ako,umaasa ako na mamahalin mo ‘ko na mas hihigit pa sa inaasahan ko.Matamis na gawa’t salita ang pinapakita mo pero naalala ko ay kaibigan nga lang pala talaga

Akala ko ay may hihigit pa sa ‘kaibigan’ ang magiging relasyon natin.Nagkamali ako,dahil hanggang do’n lang pala.Pasensya dahil umasa ako kahit alam kong hanggang ‘kaibigan’ lang ang relasyon natin

MemoLIEs

Kasinungalingang sinabi mo,ala-alang ginawa natin,kasiyahan na naging kalungkutan dahil sa kasinungalingan.

Naniwala ako,naniwala ako sa kasinungalingan mo.

Parehas tayong nasaktan

Parehas tayong umiiyak ng malaman ko ang katotohanan

Parehas tayong nagsisisi,ako ay dahil naniwala sa’yo samantalang ikaw ay dahil sa maling nagawa mo

Pinili mo siya dahil ‘yun ang tama at dahil sinundan mo kung anong nararamdaman mo

Mali dahil hindi p’wede ang relasyong tinahak natin at dahil mahal mo siya…